Thursday, July 23, 2009

Fruit Cocktail

Pineapple...Tinanong namin yung Housing Manager ng hotel na kliyente namin kung pwede kaming makigamit ng Gym nila na nasa Staff House nila...Nung una ang sabi n'ya e itatanong pa n'ya...Ewan namin kung kanino kasi ang alam namin e siya ang namamahala dun...Tinanong ulit namin kanina...'Di daw pwede...Para lang daw yun sa mga "Regular" na empleyado ng hotel...ah...ok...nung isang araw lang ata nakita namin yung security guard na nagte-treadmill dun...ayos..."regular na empleyado"

Apple...Isang maangas na project leader ang lumapit samin minsan...ayusin daw namin yung pagbibigay namin ng report sa mga nakakataas na opisyal ng hotel...napagalitan daw s'ya at umabot pa sa headquarters nila sa Hong Kong yung tungkol dun sa mga furnitures na binili sa kanila...ang tinutukoy nya e yung report namin tungkol sa "woodborers" na sumisira ng mga upuan sa mga villas...hindi naman daw lahat ng mga furnitures nila e gawa sa kahoy...gawa daw sa plastic yung iba...di daw nya naipagtanggol ang sarili nya...ah...ok..."wood" di ba...

Papaya...Nakikikwarto kami sa Engineering Department ng hotel sa buong shift namin...Di pa kasi kami nabibigyan ng sariling quarters...Minsan nilapitan kami ng Assistant Chief Engineer...Alisin daw muna namin yung mga gamit namin doon at 'wag muna kaming tumambay doon kasi dadating yung isa sa mga may-ari ng hotel...'Di naman daw kami part ng department kaya baka mapagalitan daw sila kapag nakita kami dun...ah...ok...Last week inutusan silang i-check yung breakdown ng mga gastos ng department...nalaman nung Assistant Chief Engineer na sa budget pala nila kinukuha yung pambayad samin...eto ang litanya..."O under pala natin sila...dapat i-require natin sila na magkaroon din ng night shift tulad natin"...ayos..."Assistant"...di na ko nagtataka...

Peach...Dahil nandito kami sa isla ng Boracay, importante na may internet connection kami para magkaroon kami ng komunikasyon sa mga bossing sa Manila...Maraming beses na kaming napeperwisyo dahil broadband ang internet na nakuha namin at madalas umulan ng malakas dito...Binisita kami ng Operations Manager namin...Kilala sya sa kanyang "Cost-Cutting Measures"...Alam nya yung problema at alam nyang nakakaapekto yung sa performance namin...iminungkahi ko na lumipat na lang kami sa cable internet dahil sa pagkakaalam ko bilang Electronics and Communications Engineering graduate e mas maaasahan ang cable internet kaysa broadband sa ganitong kundisyon...995/month ang broadband at 1,+++/month ang cable internet dito sa isla...di sya pumayag...di daw kasi maganda ang cable internet dito sa Boracay...ah...ok..."Cost-Cutting Measures"...

Cherry...Matagal na naming hinihiling sa Resort Manager ng hotel na bigyan kami ng sariling quarters...Nakasaad din naman yun sa kontrata...February pa lang naiparating na namin yun...Nagpapadala kami sa kanya ng Weekly Report para ipaalam na may pinupuntahan ang ibinabayad nila sa kumpanya namin...Naka-CC ang mga bossing namin sa e-mail tuwing nagpapadala para namomonitor din nila kami...Minsan nag-reply sa amin yung Assistant Operations Manager ng kumpanya sa Singapore...May mali daw kaming ginawa...Ibang solusyon daw dapat ang ginawa namin...Tanggap namin naman naming kung may mali kami...Kaya lang "Reply" link sana ang pinindot nya bago nya kami ni-reply-an, hindi "Reply To All"...Naka-CC lang sya dun sa e-mail...ayos...Tanggap na namin kung di pa din kami mabibigyan ng sariling quarters...

Syrup...Gusto ko nang umuwi...Malapit nang maapektuhan ng kalungkutan ko ang pagtatrabaho ko...Ayokong matulad sa mga nauna sakin dito...Sana pauwiin ako kahit ilang linggo lang...Gusto ko nang mayakap ang pinakamamahal ko...

Tuesday, July 14, 2009

Sa wakas...makakapagsimula na ulit ako...

Ang tagal na din mula nung huli akong nakapagpost...di na kasi ako alipin ngayon...preso na...bago na ang trabaho ko...at iba na din ang kinalalagyan ko...

Marami nang nangyari mula nung iwan ko yung BPO company para pasukin ang Pest Control Industry...nakasakay na ko sa eroplano...nakapunta ng Boracay...nakatulog sa isang 6-star resort...nakakain ng mamahaling mga pagkain...nakapag-"Pera Padala"...napilayan sa pagbabasketbol...di nakapaglakad ng halos 2 buwan...gumastos ng malaki sa pagpapa-therapy...nagkaroon ng SSS ID at passport...at nakabalik sa trabaho...ngayon magdadalawang buwan na mula nang ibinalik ako dito sa Boracay...

Syempre kahit bago na ang trabaho mo 'di pa rin mawawala ang mga kupal na kasamahan, incompetent na superior, kliyenteng makitid ang utak, at tax na kakain ng malaking parte ng sahod mo...siguro naman di ka na magtataka kung dyan iikot ang mga susunod na post ko...

Pinag-isipan ko habang naliligo kanina kung papalitan ko pa ang pangalan nitong blogsite ko...napagdesisyunan kong wag na muna...

Magandang gabi!

Etology Ads

AdBrite Ads