Thursday, January 29, 2009

Pinoy Fake Brother...?

Maraming beses ko nang naranasan to sa jeep...may sasakay na lalaki...mag-aabot ng nakatuping puting papel habang papunta sa may lugar ng drayber...kung panahon ng pasko, may dalang tamburin at kakanta...kung ordinaryong araw, mangungumbinsi na ang ibibigay mong pera ay magagamit sa pang-araw araw na pagkupkop ng mga batang walang matitirhan...pagbuklat ng pinamigay nyang papel, bubungad sayo ang malaking "United Christian Mission"...syempre kung mabusisisi ka e makikita mo yung pangalan sa ibaba na "Bro. Malvin Tormis"...pero syempre di yan yung pangalan nung lalaki...ilang beses nyang uulit-ulitin na "Ang taong mapagbigay ay lubos na pinagpapala"...minsan lang ata akong nagbigay...nung tinatamad akong ilagay sa bulsa ko yung sukli sa binayad ko...kahanga-hanga kasi di sila pumapalya o namamali sa pagsasalita...praktisado...pero bakit sa dinamirami ng mga lumabas sa bibig nila e di man lang kasama ang Brother Malvin Tormis? Dahil ba hanggang sa papel lang siya dapat kasama?

No comments:

Post a Comment

Etology Ads

AdBrite Ads